SA JAPAN, MAS MARAMING TAO ANG NAMATAY DAHIL SA SUICIDE NOONG NAKARAANG BUWAN KAYSA SA COVID-19 SA BUONG 2020

 


Ipinapakita ng mga istatistika ng gobyerno ng Japan na ang pagpapakamatay ay  mas maraming binawing  buhay noong Oktubre kaysa sa Covid-19 na higit sa buong taon hanggang ngayon. Ayon sa paunang datos ng pulisya, ang kabuuang bilang ng mga pagpapatiwakal para sa Oktubre ay 2,153, mayroong pagtaas ng higit sa 300 mula sa nakaraang buwan at ang pinakamataas na buwanang tally mula noong Mayo 2015.

Image Credit: Nippon.com

Sa loob ng higit 10-taon mula 2010 hanggang 2019, ang mga pagpapakamatay ay sunod-sunod na bumaba at ito pa rin ang kaso sa unang kalahati ng 2020 mula Enero hanggang Hunyo. 

Gayunpaman, ang bilang ay patuloy na tumataas sa loob ng apat na buwan mula noong Hulyo. Ang pinagsama-samang bilang ng mga pagpapakamatay mula Enero hanggang Oktubre 2020 ay 17,219, isang pagtaas ng 160 kumpara sa parehong panahon sa 2019.

             Image Credit: Nippon.com           

Sa mga kaso noong Oktubre, nagkaroon ng 21.3% na pagtaas sa pagpapakamatay ng mga kalalakihan noong Oktubre na umabot ng 1,302 at pagtaas na 82.6% sa  pagpapakamatay ng mga kababaihan na umabot ng 851. Ang Tokyo ang may pinakamalaking bilang ng prefecture na may 255.

Image Credit: Nippon.com

Ayon sa  Ministry of Health, Labor, at Welfare na sa maraming mga kaso ang mga tao ay nahihimok na magpakamatay dahil sa 'di maiwasang mga isyu sa lipunan, kaya't ang gobyerno ay nagtataguyod ng komprehensibong mga hakbang sa pag-iwas sa pagpapakamatay na kabilang ang kalusugan, pangangalagang medikal, edukasyon, paggawa, at iba pang kaugnay na mga hakbang. 

Nag-set up rin sila ng isang website na nagsasabi sa mga tao ng mga paraan upang humingi ng tulong, tulad ng sa pamamagitan ng mga hotline, serbisyo sa telepono at iba pang uri ng social media. 

Nagbibigay din ang site ng mas madaling maunawaan na impormasyon tungkol sa mga hakbang na ginagawa ng gobyerno upang maiwasan ang pagpapakamatay.

Ingatan natin ang ating mga mahal sa buhay at mismo ang ating sarili. Kung may napapansin man tayong kakaiba sa kanilang mga kilos ay dapat natin silang bigyan ng pansin at alagaan, sa mga panahon na ganito ay ang kailangan nila ay ang mga taong makikinig at susuporta sa kanila. 

Narito ang ilan sa mga hotlines na makatutulong lalo't na kung mayroon tayong kakilala na dumadaan sa ganitong uri ng sitwasyon:

Image Credit: ABS-CBN News


Mga Komento

Kilalang Mga Post